(Maikling Kwento) Ang Magkapatid ni Karan Tamber

Ang Magkapatid

ni Karan Tamber
           
Si Maria at Vicente ay magkapatid, parehas silang matalino at mga mababait na bata. Sila ay matulungin sa kanilang magulang, palagi silang magkasundo kahit kailan hindi sila nag-away nagmamahalan silang dalawa, palagi silang ‘First honor’ sa kanilang eskwelahan. Silang dalawa ay pinagpala ng Diyos. Palagi nilang pinapasaya ang kanilang mga magulang. Lahat ng gusto nila ay nakukuha nila pero ang kapalit ay matataas na marka. Sila ay mapala-kaibigan sa kanilang bayan, kilala sila dahil sa kanilang ugali. Lahat ng tao ay gusto silang ampunin. Masipag sila sa pag-aaral lahat ng pinapagawa sa kanila ay tinatapos nila sa oras. Masaya din ang kanilang guro sa kanilang dalawa. Si Vicente ay mas malapit sa kanyang nanay dahil mas masaya siya kasama ang kanyang nanay at si Maria naman ay mas malapit sa kanyang tatay, ito naman ay masayahin kapag kasama nya ang kanyang tatay.
           
Isang araw may sorpresa ang kanilang magulang para sa kanila, pupunta sila sa ibang bansa para mag-bakasyon dahil ‘first honor’ nanaman silang dalawa sa kanilang eskwelahan. Masayang- masaya silang dalawa , niyakap nila ang kanilang magulang at hinalikan sa pisngi. Isang araw bago sila umalis at pumunta sa ibang bansa, pumunta muna sila sa simbahan at nagpasalamat pagkatapos ay umuwi na sila at nagpahinga. Excited na excited silang dalawa pumasyal sa ibang bansa. Napakasaya nilang pamilya sa kanilang pagba- bakasyon sa ibang bansa. Halos isang buwan na sila sa ibang bansa. Pauwi na sana sila ng Biglang may tumawag sa kanilang tatay at bigla na lang itong nahimatay at dinala sa ospital. Nalaman nila na bumagsak ang kanilang negosyo dahil sa pinagkatiwalaan niya ang kanyang kaibigan na ahas, kinuha nito lahat ng pero sa negosyo nila. Pauwi na sila sa Pilipinas at nakipag- usap sa kompanya, walang- wala na daw sila dahil wala na yung pera na dinonasyon nila para sa kompanya. Di na sila makapag-aral dahil wala na silang pera at kailangan nilang maghanap buhay.
            Isang araw, may kilala si Vicente na isang grupo ng mga kasing- edad niya, hindi niya alam na mga adik pala silang lahat. Sumama si Vicente sa kanila at natuto siyang mag- adik. Sayang ang buhay at talino ng batang ito. Halos limang buwan na siyang nawawala, hindi siya makita ng kanyang pamilya. Lumipas na ang ilang taon, namatay ang kanyang tatay dahil sa kakaisip sa kanya at sa bumagsak na negosyo nila. Ilang lingo lang din ay namatay ang kanilang nanay, di maisip ni Maria kung ano ang gagawin niya. Makalipas ang ilang buwan ay muling bumalik si Vicente sa kanyang kapatid, halos mamatay sa tuwa si Maria dahil bumalik na ang mahal na kapatid. Nangako silang dalawa na lilinisin nila ang kanilang pangalan at magsusumikap na ayusin ulit ang kanilang buhay at ibalik sa dati ang kanilang pamumuhay. Naghanap- buhay ang magkapatid at sila ay naging matagumpay ulit sa kanilang buhay. Unti- unti silang yumayaman at gusto na nila magpatayo ng eskwelahan para sa kanilang bayan at ito naman at napatupad at unti- unti nang bumabalik ang respeto sa kanila ng mga taong bayan. Makalipas ulit ng ilang taon nagkaroon ng kasintahan si Vicente, nagmahalan sila ng tapat at tunay. Ang sabi ni Vicente kay Maria, “Kapatid, ako ay aalis na sa Ikapito ng Marso dahil may malaki akong kontrata sa ibang bansa”. Sa tatlong linggo na natitira nagpakasaya ang dalawang magkapatid kasama din ang kasintahan ni Vicente. Pumunta sila sa iba’t ibang magagandang lugar. At eto na, aalis na si Vicente, di mapigilan ni Maria ang kanyang luha at umiyak siya. “Hinding hindi kita kakalimutan, oh mahal kong kapatid”, Sabi ni Vicente. Hinalikan ni Vicente ang kanyang tanging maganda at mapagmahal na kapatid.
           
Nasa ibang bansa na sila Vicente at doon na nahirapan ng matagal. Si Maria naman ay nagkaroon din ng kasintahan agad niyang sinabi ito sa kanyang kapatid at masaya naman ang kanyang kapatid para sa kanyang kasintahan. Sinurpresa ni Vicente ang kanyang kapatid at ito ay naging isa sa pinakamasaya sa buhay ni Maria dahil binalikan na siya ng kanyang kapatid at unang una na ginawa nilang dalawa ay pumunta sila sa libingan ng kanilang mga magulang. Halos luhang luha ang dalawang magkapatid dahil  naalala nila ang kanilang mabuting magulang. Halos isang araw silang nakaupo na maalala nila ang mahal nila sa buhay, pagkatapos nun ay umuwi na sila at nagpahinga. Kinabukasan, may sasabihin si Maria kay Vicente pero hindi niya ito masabi, nahihiya si Maria kay Vicente pero hindi niya ito mapigilan at agad niya itong nasabi kay Vicente na magpapakasal na si maria kay Jose. Biglang sumigaw ng malakas si Vicente. “Hindi ka magpapakasal!”, sabi ni Vicente kay Maria. Agad namang sumunod si Maria dahil mahal na mahal ni Maria ang kanyang kapatid pero ang hindi alam ni Maria na nagbibiro lamang si Vicente dahil alam na ni Vicente ang sorpresa ni Maria. Natawa naman si Maria nung sinabi ni Vicente na pwede silang magpakasal kung kailan daw nila gusting magpakasal. Niyakap ni Maria si Vicente. “Mahal na mahal kita, Kuya.” Sabi ni Maria kay Vicente. Maraming tao ang pumunta sa kasal nila Maria at Jose, marami ring masasarap na pagkain sa kasal, lahat sila ay masaya para kay Maria at Jose. Lalo na si Vicente. Matapos ang apat na araw babalik na si Vicente at ang kanyang kasintahan na si Victorina. “Huwag kang susuko kahit na ano o ilang pagsubok sa buhay ang dumating, Wag na wag mong kalimutan kung sino ka man, sana walang mangyari sa inyo na kung ano mang masama.” Ang huling payo ni Vicente kay Maria.“Oo, kung hindi ko pababayaan ang mga kailangan kong gawin sa buhay, sana hinding hindi mo kami makakalimutan, sana balikan mo kami”, sabi naman ni Maria. Yan ang huling payo ng magkapatid sa isa’t-isa nago sila magkalayo. Masayang nagyakapan ang dalawang magkapatid at matapos magkalayo sila Vicente at Maria, ‘Back to Normal’ ulit ang buhay ni Maria. Puro trabaho at wala ng pahinga si maria dahil gusto niya na patunayan kay Vicente na isang masunurin ang kapatid nya. Tuwang-tuwa si Vicente sa nalaman niyang buntis si Maria at makalipas ang siyam na buwan, manganganak na si Maria at lalaki pala ang anak nito. Napakasaya nilang mag-asawa dahil sa isang malaking biyaya na binigay sa kanila n gating Diyos. Kumalat ang balita sa buong bayan, nagkaroon ng isang malaking handaan sa bayan nila Maria, sila ay masayang masaya. Habang si Vicente ay nagtatrabaho, hindi siya makakapunta o makakauwi ng Pilipinas dahil tambak na tambak siya sa Gawain na binibigay ng boss niya pero ang sabi ni Vicente kay Maria na babawi daw siya kay maria sa susunod. Limipas ang ilang taon na makakauwi na din si Vicente sa Pilipinas, hinding-hindi na siya makapigil na makita ang pamangkin niya. Dumating na si Vicente sa Pilipinas at nagkita na sila ng kanyang kapatid na si Maria. Hinahanap ni Vicente ang kanyang pamangkin pero hindi niya ito mahanap. Umiyak ng umiyak si Maria, tinatanong ni Vicente si Maria pero ayaw nitong tumahan sa pag-iyak. Ilang sandal, tumahan na din si Maria tsaka na nagtanong si Vicente kay Maria. “Anong nangyari sa’yo?, Nasaan na yung pamangkin ko, ba’t wala siya dito Maria?, sumagot ka!”. Tanong ni Vicente kay Maria. “Wala na ang anak ko, patay na siya”, sabi ni Maria. “Paano at bakit hindi mo sinabi sa akin?” sabi naman ni Vicente. “Kuya, pasensya ka na. hindi ko kinaya dahil nagtatrabaho ka at malayo ka dito kaya hindi na kita inabala pa”. Sagot ni Maria. Hindi na nagsalita si Vicente at napaluha nalang ito at hindi matanggap ni Vicente na waka na ang pamangkin niya na hindi niya oa nakikita, hindi niya nahawakan at hindi niya pa narinig mag salita. Hindi lumabas sa bahay o nag saya si Vicente. Ilang araw na ang nakalipas at ayaw ni Vicente bumalik sa kanyang bahay sa ibang bansa dahil sa kalungkutan na dinanas ni Vicente hanggang sa ngayon, hindi pa din matanggap ni Vicente na wala na ang kanyang pamangkin pero hindi siya nagpadala sa kalungkutan ng matagal. Tatlong lingo lang ay naging masaya na ulit si Vicente, pumunta sila sa simbahan at nag-dasal at pagkatapos ay pumunta sa libingan ng anak ni Maria at dinalaw na din nila ang kanilang magulang.
Lumipas ang ilang taon, magpapa-kasal na sina Vicente at Victorina sa malaki at sikat na simbahan sa bayan nila sila magpapakasal. Napakasaya ng mga taong bayan sa magkasintahan na ikakasal dahil parehas silang tapat sa isa’t isa at pareho silang matulungin at pinagpala ng Diyos. May sorpresa din sila Maria at Jose kina Vicente at Victorina at yun ay ang magkakaroon sila ng  pangalawang anak. Doble- doble ang saya at ang selebrasyon na magaganap sa bayan nina Maria at Vicente. Masaya ang lahat sa nabalitaan nila kila Maria at Jose. Pagkatapos ng kasal at selebrasyon, pumunta sila Maria at Vicente sa libingan ng mga nawala nila sa buhay. Doble doble din ang lungkot dahil bata pa lang ang anak ni Maria ay namatay dahil sa isang malaking sakit na kumalat noong panahon na yon. Makalipas ulit ang ilang buwan manganganak na ulit si maria, dali-dali sinugod sa ospital si Maria at pagkatapos ng ilang oras na ilabas na ang bata, unang nakakita ng bata ay si Vicente halos tumulo na ang luha sa mga mata ni Vicente dahil sa sobrang saya. Nakauwi na sila sa kanilang bahay ng masaya kasama ang anak ni Maria.

Lumipas ang ilang araw at babalik na sila Vicente sa kanilan pangalawang bahay. Nalulungkot si Vicente na umalis dahil ayaw niya iwanan ang kanyang pamangkin, nalulungkot ang mga kaibigan ni Vicente dahil aalis na siya at di na alam kung kailan siya babalik. Halos lahat ng tao sa bayan ay umiyak bago umalis sila Vicente. Pumunta muna sila sa simbahan at nagdasal si Vicente at umalis na sila Vicente. Alam ng taong bayan kung kelan sila babalik.

Makalipas ang ilang buwan, nagkaroon na din ng trabaho si Maria sa ibang bansa. Masayang masaya siya dahil makakasama niya ulit ang kanyang pinakamamahal na kapatid. Magsasama na sila ulit habang buhay habang tumatagal maraming amerikano ang naming kay Maria kaysa kay Vicente. Nagseselos si Vicente kay Maria, hindi inakala ni Maria na magaaway sila ng kapatid. Di matanggap ni Vicente na mas magaling si Maria kesa sa kanya. Halos lagi nang magkaaway sila Maria at Vicente, hindi kinaya ni Maria ang mga pang-aaway ni Vicente kaya umuwi nalang si Maria sa Pilipinas sapagkat ayaw siyang pauwiin ni Victorina, nagmakaawa si Victorina kay Vicente pero hindi niya ito pinansin.


Lumipas ang ilang taon at pumunta sa Pilipinas si Vicente. Nagmakaawa si Vicente kay Maria at agad nitong pinatawad si Vicente.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

(Maikling Kwento) Magsumikap Sa Pa-aaral ni Jose Lungkay

(Maikling Kwento) Unang Tingin ni Alyssa Inductivo