(Maikling Kwento) Unang Tingin ni Alyssa Inductivo

Unang Tingin

ni Alyssa Inductivo

Isang dalagang pinagkaitang makakita ng mga bagay sa mundo. Oo, bulag sya. Dalawang beses na siyang sumubok magpa- opera pero walang nangyayari. “Ma, wala na rin namang magagawa pa ang operasyon, kahit pa magpa- opera ako, wala rin. Magsasayang lang kayo ng pera at oras.” pagpapaliwanag nito sa kanyang ina. “Pero Ayana, pag-isipan mo parin.”pagpupumilit nito sa kanya. Gusto nanamang subukan ng kanyang ina na ipa- opera ulit sya pero ayaw na nya. Hindi naman sa ayaw niyang makakita pero, ayaw na nyang umasa.

Umalis ang kanyang ina at maya- maya lang ay may kumatok sa kanyang pintuan. “Pasok po! bukas ‘yan.” sabi nito at nagbabaka sakaling nars o doctor ang kumatok. “Ah- eh, pasensya nakung pumasok ako. Gusto ko lang makipag- kilala sa iyo.”Narinig nya ang isang boses ng lalaki, sigurado syang hindi ito ang kanyang nars o doctor at sigurado rin syang hindi ito isang nars. “Pasensya ka na ha, pero sino ka po?” tanong nya doon sa lalaki at sinubukan nyang huminahon, sa totoo lang ay kinakabahan sya dahil baka may masamang gawin ang lalaki sa kanya. “Pasyente din ako dito. Gusto ko kasi ng makakausap, ayos lang ba?” tanong ng lalaki sa kanya at mukhang sinsero naman ang pagkakasabi nito. Siguro nga ay kailangan nya rin ng makakausap dahil nawawalan na rin sya ng gana sa lugar na iyon.

“Ako si Ayana. Sigurado ka bang kakausapin mo lang ako?hindi mo ko gagawan ng masama?”paniniguradong tanong ni Ayana na ikinatawa naman ng malakas nung lalaki. “Hindi ako masamang tao, Ayana”, sabi nito sa gitna ng pagtawa. “Pangako, makikipag- kaibigan lang ako. Huwag kang mag- alala.” seryosong sambit ng lalaki. “Pwede na ba akong makipag- kaibigan sa’yo?” tanong ng lalaki sa kanya. Tumango sya, “Basta wala kang gagawing masama.” sabi ni Ayana na ikinatawa ng lalaki.

“Magkwento ka tungkol sa sarili mo” sambit ni Ayana sa lalaki. “Ako si Xander. Alexander Zamora. 19 taong gulang na ako.” Panimula ng lalaking Xander ang pangalan. “Ah, kuya pala kita. 18 taong gulang palang ako eh”, pagsingit ni Ayana sa sinabi ni Xander. “Anong paborito mong kulay?” pagtatanong ulit ng dalaga. “Kahel, kahel ang paborito kong kulay” sagot nito kay Ayana. “Ano kayang itsura nun?sana makakita ako balang araw.” may halong kalungkutang sambit ni Ayana. “Ano ka ba? Makakakita ka rin nun, wag kang mawalan ng pag- asa”sabi ni Xander na nagpagaan ng loob ni Ayana. “Eh ikaw, Anong paborito mong kulay?” tanong naman ni Xander sa kanya. “Pula at Dilaw, maganda daw kasi yun at maganda din saaking pandinig, parang simple lang”, natutuwang sagot ni Ayana. “Alam mo ba na kapag pinaghalo ang pula at dilaw ay magiging kahel ito?” sambit ni Xander na ikinamangha ni Ayana na para bang may bago nanaman nyang natutunan. Kung ano ano pa ang pinagusapan nila pero nagdesisyon nang umalis ni Xander para makapagpahinga pero nangako sya sa dalaga na babalik sya kinabukasan.

“Oh, Ayana! Masaya ka ata?” nagtatakang tanong ng kanyang ina, “Inaantay mo na naman si Xander ‘noh?” panunukso ng kanyang ina sa kanya. Alam ng kanyang ina ang tungkol sa pakikipag- kaibigan nya kay Xander, pati ang pagpunta ng binata sa silid ni Ayana. Halos apat na araw na siya nitong dinadalaw at masaya ang kanyang ina dahil sa may kaibigan na ito. Umalis ang kanyang ina para kumuha ng mga damit at binilinan syang wag lumabas at hintayin na lamang si Xander. Natatawa na lamang siya sa kanyang ina dahil dati ay ayaw sya nitong palabasin kapag walang nars na kasama pero ngayon, kay Xander sya nito binibilin.

Ilang sandalilang narinig nya ang pagbukas at pagsara ng pinto, naramdaman na nya ang presensya ni Xander. “Ayana, Kamusta?” bati nito sa kanya pero halata sa boses nito ang pagod at pagkahingal. Inanyayahan nya itong umupo dahil mukhang pagod ito dahil sa mabibilis nitong paghinga. “Ayos ka lang?” nag- aalalang tanong niya dito. “Ah oo, sobrang pagod lang siguro”, sambit ni Xander habang hinahabol parin ang kanyang hininga.

Biglang naalala ni Ayana ang sakit ni Xander o yung rason nito kung bakit ito nasa ospital. Hindi pa rin kasi sinasabi ni Xander sa kanya. Lagi itong iniiwasang sagutin at minsan ay sasabihing ‘sikreto’ kapag itinatanong ito ni Ayana sa kanya. Naririnig nya pa rin ang mabibilis na paghinga ni Xander nang biglang may pumasok sa kwarto nya. “Sino yun?” tanong ni Ayana. Naramdaman na ang pagtayo ni Xander mula sa kanyang kinauupuan. Di pa man nakakasagot si Xander sa tanong nya nang biglang may nagsalita. “Xander, bakit ka lumabas agad? Kakatapos lang ng ‘Kemoterapi’ mo”. Natigilan si Ayana sa kanyang narinig. Napagtanto nya na may kanser ni Xander pero pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na baka nagkamali lang yung nars. “Ayos lang ako, sige na. May pag-uusapan pa kami ni Ayana”. Narinig nyang samibit ni Xander doon sa nars at naramdaman na nyang lumabas ito sa kanyang kwarto. Medyo matagal din ang katahimikan hanggang sa magsalita si Xander. “May kanser ako, Ayana.” Sambit nito sa kanya na ikinaangat ng ulo ni Ayana.

“Xander, gusto kitang makita”, mukhang nagulat ang binata sa sinabi ni Ayana. “Magpapa-opera ako para sa’yo”, dagdag na sambit nito. Biglang lumapit si Xander sa tenga ni Ayana at bumulong, “Gusto pa kitang makasama”.

Magkasama sila ngayon. Bukas na yung operasyon nilang pareho. Pinagpilitan nilang dapat ay sabay ang kanilang operasyon. “Bukas, kapag naging matagumpay yung operasyon, dapat pang maghintay ng tatlong araw bago tanggalin yung tapal sa mata ko” sabi ni Ayana. “Sige, pagkatapos ng tatlong araw ay puntahan mo ako sa aking silid” sabi naman ni Xander sa kanya. Napangiti si Ayana nang puno ng pag-asa. “Tama, makikita ko na siya”, sambit nito sa kanyang isip na ikinangiti nya.

“Anak, makakakita ka na!” nasasabik na sabi ng kanyang ina. “Oo nga po eh”, masaya ring sagot ni Ayana. Mamaya lang ay tatanggalin na ang tapal sa kanyang mata. Oo, nagging matagumpay ang kanyang operasyon at labis na syang nasasabik na makita si Xander. “Handa ka na ba?” narinig nyang tanong ng doctor sa kanya. Tumango siya at naramdaman ang dahan-dahang pagtanggal ng tapal sa kanyang mata.

Maliwanag, sobrang maliwanag, Malabo noong una, hanggang sa naging malinaw din ang kanyang nakikita. Nakita nya ang kanyang ina na nakangiti, agad nya itongniyakap. Bigla nyang naalala ang pangako nya kay Xander. “Mama, may pupuntahan lang po ako.” Tumango ang kaniyang ina at nagmamadali siyang lumabas ng kwarto. Pangatlong pinto mula sa kanan ng kanyang kwarto ay ang silid ni Xander. Bahagya nyang binukasan ang pinto pero nakapatay ang ilaw nito, tahimik at walang tao. Agad nyang inisip kung tama ba ang silid na pinasukan nya.

Lumabas sya at saktong may dumaan na nars. “Ipagpaumanhin nyo po, pero nasaan po yung pasyente dito?” tanong nya doon sa nars. Tumingin ito sa pintuan. “Dyan yung lalaking may kanser na inoperahan nung isang araw diba?” hindi siguradong sambit nung nars. Tumango si Ayana at hinintay yung sagot ng nars. “Nasa morge na siya ngayon eh”, sagot nung nars na ikinatigil ng mundo ni Ayana. “Kilala mo ba siya? Pasensya na ah”, sinserong sabi nung nars. Napatango nalang si Ayana habang nagpipigil ng kanyang mga luha.

Sinamahan sya ng nars sa morge at iniwan sa tapat ng isang bangkay na si Xander daw. Maya- maya lang ay may dumating na babae. “Sino ka?”tanong nito nang makita si Ayana sa tapat ng bangkay. “Kaibigan po ako ni Xander.” Sagot nito sa babae. “Ako po si Ayana”, pagpapakilala nya. Nang magpakilala sya ay hindi niya maintindihan ang naging reaksyon nung babae. May kinuha ito sa kanyang bulsa at inabot ito kay Ayana. “Alam kong marami kang tanong. Binigay nya ito sa akin bago sya magpa-opera. Kung sakali daw na mawala sya at may maghanap na babaeng maputi at mahaba ang buhok na Ayana ang pangalan ay ibigay ko ito”. Tinanggap ito ni Ayana at nagpaalam na rin sa kanya yung babae. Bumalik sya sa kanyang kwarto. Wala ang kanyang ina doon kaya mag-isa lang siya sa kwarto. Umupo siya sa kama at binuksan ang papel na ibinigay sa kanya nung babae. Ito’y isang liham mula kay Xander.

Ayana,
                Labing- siyam na taon na akong nabubuhay pero sampung taon na akong nabubuhay na parang isang patay, hanggang sa nakilala kita -  isang babaeng puno ng pagmamahal ang mga mata, puno ng pag-asa ang mga ngiti at puno ng saya ang bawat salita. Siguro nga nahawa na ako sa saya mo at nabigyan rin ako ng liwanag mo. Ikaw ang nagpabago ng pananaw ko sa buhay.
                Pasensya ka na kung hindi ko agad sinabi sa’yo yung sakit ko. Ayaw ko kasing ayawan mo ako, baka kasi iwan mo ako dahil alam mong mawawala rin naman ako. Pero nagkamali ako, nandiyan ka pa rin.
                Sa oras na nababasa mo ito, wala na siguro ako. Wag kang malulungkot ha’?, kasi nababasa mo ito, ibig sabihin naging matagumpay ang operasyon mo, kaya wag kang malulungkot kasi masaya ako para sa iyo at gusto ko maging masaya ka rin.
               
Sige na, hindi ko na pahahabain pa ito. Gusto ko sanang malaman mo na mahal kita. Mahal na mahal. Huwag mo sana akong kalimutan kasi hindi ko kakayanin ‘yun kahit na wala na ako. Sana sa bawat bagay na makikita mo ay maaalala mo ang mga pinagsamahan natin.
Lagi lang akong nandito, kahit hindi mo na ako makikita, palagi mo lang tandaan na palagi akong nakasulyap sa iyo.

-Xander


Kasabay ng pagtapos nya sa pagbabasa ay ang pagtigil ng kanyang mga luha sa pagpatak. Tapos na siyang umiyak, ipinapangako niya sa kanyang sarili at sa taong mahal niya na mula ngayon ay magiging masaya na siya para sa mga bagay na nakikita na niya at lalo na sa mga bagay na hindi na nya nakita. Oo, siguro nga di na niya nakita si Xander pero mas higit pa doon ang nasilayan nya, nasulyapan nita kung paano ito magmahal at alam nya sa sarili nya na, sya ang unang nakakita nun.

Mga Komento

  1. Hotel Rooms & Suites by Marriott, New Orleans, LA - MapYRO
    Find the best rooms and 전주 출장마사지 suites by Marriott in New Orleans, 아산 출장안마 LA. MapYRO is an online 춘천 출장안마 directory 문경 출장안마 of 1311 hotels in 1311 including 1017 hotels and places 밀양 출장안마 to stay.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

(Maikling Kwento) Ang Magkapatid ni Karan Tamber

(Maikling Kwento) Magsumikap Sa Pa-aaral ni Jose Lungkay