(Maikling Kwento) Magsumikap Sa Pa-aaral ni Jose Lungkay

MAGSUMIKAP SA PAG-AARAL

Ni: Jose Gabriel Lungkay

Ang isang estudyante ay mahilig din mag-aral ng mabuti dahil sa pagsumikapan sa pag-aaral. Si Christine ay isa s’yang napakagaling na estudyante sa kanilang klase. Si Joshua naman ay laging top 1 sa klase sa ika-walong baitang pangkat Simplicity. Sabi ni Christine, “Joshua, ikaw pala ang top 1 sa klase, ah!”. Sumagot naman si Joshua, “Aba, oo naman! Kaya nga pinag-aaralan ko ang lahat ng mga aralin sa lahat ng mga asignatura.”

Ayon sa dalawang estudyante, dumating si Ma’am Maxine na siya ay nagtuturo sa asignaturang Filipino. Siya ay nagbibigay ng madaling exam sa pagdating ng test. “Kailangan niyong mag-review para sa nalalapit na exam.” sabi ng guro. Lahat ng mga estudyante ay nagbabasa o pag-aaralan ang nabalikang aralin. Kakayanin ang lahat ng estudyante kapag hindi sumuko sa isang bagay. Si Elenor ay top 2 kasunod kay Joshua. Siya ay laging matalino at nag-aaral mabuti.

Sila ni Elenor at Joshua ay magkakasamang mag-review para sa nalalapit na exam. Di tulad ng iba ay nagse-cellphone lang o kung anu-ano lang ang ginagawa. Base sa bilang, 3 sa 5 estudyante ang nakakapag-aral at nagsusumikap. Sa sumunod na markahan, bumaba ng tatlo si Joshua kaya naging top 4 sa klase. Masaya pa rin si Joshua nang sabihin, “Ay, salamat, hindi pa rin ako nakakalabas ng top 10!”.

Sa sumunod na araw, kuhanan ng cards ng unang markahan. Nu’ng nakita ng nanay ni Joshua, nagulat at sinabi, “Ay, ang taas ng grades mo, ah! Kaya galingan mo sa pag-aaral!”. Lahat ng marka na nakuha sa kanya ay pasado. Sinabi sa kanyang sarili, “Kailangan ko pa ring pumasa para sa susunod na marka!”. Napatunayan na siya ay pinakamagaling sa klase ni Ma’am Maxine.

Si Joshua ay nagkataon lang siyang bumagsak sa lahat ng asignatura sa nakaraang taon. Pero nakabawi siya ngayon at nakapag-aral ng mabuti. Hindi niya naramdaman na sa loob ng 50 items ng bawat exam, siya ay ‘di bumabagsak. “Gagawin ko ang lahat para matupad ang pangarap sa buhay ng kinabukasan!”, sabi sa kanyang sarili.

Pagkalipas ng tatlong taon, ang magkaibigang Elenor, Joshua, at Christine ay nag-aaral ng ikalabing-isang pangkat sa bayan ng Modesty. Ang kinuha nilang track ay ang STEM, para maintindihan nila kung paano nila maso-solusyonan ang problema na ibibigay. Magaling ang magkakaibang nakakapag-aral ng mabuti. Ipinakikilala ni Elenor si Harry, ang kanyang kaibigan na lagi n’yang tinutulungan pag-aaralin si Harry. Ang kanyang kaklase sa kanilang track ay mababait at masunurin. Sabi ni Joshua, “Ang ating kaklase, nakikipagtulungan, hindi tinatamad!”

Gusto ni Elenor na makipag-kaibigan pa sa ibang tao para matulungan. “Gusto mo ba ako maging kaibigan?” tanong ni Elenor. “Sige!” sabi ng isang lalaki. Si Joshua naman ay maagang umuwi para sa kaarawan ng kanyang kapatid na lalaki na si Lawrence. Pero, iniisip ni Joshua na paano siya uuwi kung may gagawin pa sa kanya ang project sa unibersidad?

Nu’ng sumunod na araw, si Elenor ay nakipagkita kay Joshua sa paaralan dahil gusto n’yang tulungang matapos ang kanyang ginagawang project. Sabi ni Joshua, “Gusto mo bang tapusin na natin ang project?”. “Sige, salamat, Joshua. Tinutulungan mo rin ako sa paggawa ng project, ah!” sagot ni Elenor. Ipinasa ni Elenor ang kanyang project sa kanyang professor na sakto sa deadline. “Elenor, ang ganda naman ng gawa mo, ah!” sabi ng isang professor. “Eh, sir, ako lang naman ang gumawa n’yan eh!” sagot ni Elenor.

Natuwa si Elenor nang sabihan si Joshua na, “Joshua, salamat dahil tinulungan mo ako sa paggawa ng project, dahil maganda pala ang ginawa mo sa hitsura nito.” Natuwa si Joshua, hindi n’ya inakala na maganda pala ang ginawa niya sa kanyang kaibigan. Si Christine ay nag-iisang kumain tuwing break, dahil ayaw n’yang makisama sa kanyang kaklase. Siya ay nakikisama na lamang nina Elenor at James upang makisama sa kanyang kaibigan.

Makalipas ng dalawang taon, silang tatlo ay handa na para sa kolehiyo, negosyo, o ang pagta-trabaho. Nag-aaral sila ng mabuti para magsumikap at ‘di makakalimutan ang magandang pangarap. “Joshua, mag-aral kayong mabuti, ah!” sabi ng kanyang magulang. At gusto niyang nakuhang kurso ay ang Computer Science.

Ang kanyang kaibigan ni Joshua ay nagkahiwa-hiwalay na dahil pumasok na sila sa iba’t-ibang paaralan kung saan sila Elenor at Christine ay mag-aaral sa kolehiyo. Kakayanin din magtrabaho sa susunod na apat na taon. Si Joshua ay may bagong kaibigan na sina George, Angie, Sean.

Si George ay napakabait na estudyante ay nakilala ni Joshua. Subalit, tinutulungan niya upang matapos ang kanyang ginagawang project. “George, napansin mo ba na ikaw ‘yung naging kaibigan ko?” sabi ni Joshua. “Oo nga, ikaw nga ‘yon” sagot ni George. Nagkakilala sila upang sumabay kumain tuwing break.

Si Angie naman ay laging aktibo sa pag-aaral. Nag-aaral lang siya at ‘di kung ano-ano ang ginagawa ng iba. Maayos ang kanyang palagay sa kanyang buhay. ‘Di nagtagal ang kanyang paghihirap sa kanyang sarili. Lagi n’yang kasabay ang guro sa pagpasok sa paaralan.

Si Sean naman ay minsan lang nag-aaral. Nakakapag-basa naman at nagre-review para sa test. ‘Di siya tumitigil sa pagbabasa ng libro bago mag-exam para pumasa. Nagsumikap at nakuha ang kanyang pangarap sa pagta-trabahuan.

“Sean, gusto n’ya bang basahin ang libro?” sabi ni Joshua. “Sige, basahin natin para pumasa sa exam.” sagot ni Sean. Nagbabasa sila kung paano gumawa ng mga programming sa computer para maalala kung paano gawin. Samantalang, maayos naman ang kanilang buhay sa pag-aaral.

Sumunod naman ng ilang taon, nakapagtapos na sila ng pag-aaral sa kolehiyo para magsumikap at makapag-trabaho din sa magandang kinabukasan. Gagawin nila ang lahat para makapag-gawa ng isang magandang paraan. Hindi man sadya sa bumagsak sa lahat ng asignatura sa nakaraang taon. Tulad ng iba,  nakapasa naman sa lahat ng bagay.

Ang mga estudyante ngayon, laging nag-aaral para pumasa at makakuha ng magandang pangarap. Tulad ng isang estudyante, nag-aaral at hindi nagiging tamad kaysa sa iba. Ang magandang pangarap ng nakukuha sa isang kaalaman ay nagiging mahusay sa pag-aaral.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

(Maikling Kwento) Ang Magkapatid ni Karan Tamber

(Maikling Kwento) Unang Tingin ni Alyssa Inductivo