(Maikling Kwento) Si Saraha Na Gusto Ang Armas ni Jana Tacugue

Si Saraha Na Gusto Ang Armas

Ni: Jana Mae Tacugue



"Magnanakaw, magnanakaw!" Sigaw ng ale sa daan. Kulang na lang ay maglutasay ito sa daan dulot ng kabiguan. May itinuturo-turo itong daan at sa tingin ni Saraha ay ang daan kung saan pumunta ang magnanakaw. Hindi nagtagal pa lalo si Saraha at agad nitong sinundan ang magnanakaw. Tila jeep and takbo niya at walang takot na nadarama. Pagliko niya sa eskinita, kumuha siya ng bato at agad itong binato sa magnanakaw.

"Ibalik mo iyan!" Sigaw niya. Kitang kita ang galit sa mata ng lalaki at napalunok si Saraha nang maglabas ito ng kutsilyo. Ngunit hindi umatras ang tapang niya. Sasaksakin na dapat siya ng mabilis na hinablot ni Saraha ang kutsilyo mula sa kamay ng magnanakaw at itinapon sa malayo. Tinuhod at pagkatapos ay sinuntok niya ito hanggang sa makita niya na padating ang mga tanod.

Hindi niya mapigilan mapangisi. "Tinuruan ata ako makipaglaban. Pasensiyahan na lang ho." Huling sambit niya sa magnanakaw. Nang paalis siya ay doon niya lang napansin na madami na pala ang nanonood. "Ang mga tao talaga, alam na may delikadong nangyayari pero ang nagagawa lang ay manuod." Napapailing na isip niya.

Pumasok na si Saraha sa kanilang iskwelahan pagkatapos maibigay ang muntikan nang hindi maibalik na gamit. Hindi niya makakalimutan ang tuwa sa muka ng ale ng maibalik niya ang gamit nito.

Nasa ika-10 na baitang na si Saraha at ito ang yugto kung saan lahat ng mga estudyante ay dapat alam na kung ano ang kagustuhan nila maging sa hinaharap. Karamihan sa kaniyang mga kaklase ay nalilito pa din kung ano ba na propesyon ang gusto nila. Litong lito ang kaniyang mga kaklase dahil madaming bagay muna ang dapat intindihin bago gumawa ng malaking desisyon pero si Saraha ay iba. Bata pa lang ay alam niya na ang gusto niya maging propesyon at mula noon hanggang ngayon, hindi nagbago iyon.

Bata pa lang siya ay gusto niya na maging pulis. Ang ideyang siya ay may hawak na armas at ipagtanggol ang sangkatauhan ay nagpaibig sa kaniya dito. Tuwing sinasabi niya na gusto niya maging isang ganap na pulis sa kaniyang mga magulang ay lagi itong tutol. "Babae ka, Saraha! Delikado ang maging pulis sa isang tulad mo." Hindi niya maintindihan ngunit pilit niyang iniintindi. Labis na nagpapalungkot kay Saraha ang sinasabi ng kaniyang mga magulang. Kaya na din hindi niya mamungkahi sa kaniyang mga kaklase ang gusto niya ay dahil siya ay nahihiya. Sa reaksiyon pa lang ng mga magulang niua ay tutol na, paano pa kaya ang mga kaklase niya. Mapapahiya lang siya, laging nasa isip ni Saraha.

Dumating ang araw na kinakatakutan niya. Kung dati ay wari naiiwasan niya ang tanong na ito sa iba pero sa ngayon, ramdam niya na hindi na. Ang kanilang guro ay tinawag sila isa-isa at tinanong kung ano ba ang gusto nila maging. Nang siya ay natawag ay walang siya masabi pero may gusto siyang isagot. Sa puntong iyon ay kinakain na siya ng hiya. Naiisip niya ang pagtutol ng magulang niya at ang magiging reaksiyon ng kaniyang mga kaklase. 'Masama ba ang mangarap?' Tanong niya sa isip. Nagsimula na magbulungan ang kaniyang mga kaklase. "Saraha, huwag ka ng mahiya. Lahat kami ay gusto malaman kung anong propesyon ba talaga ang gusto mo." Nakangiting sabi sa kaniya ng guro at ito naman ay nakatulong. Pero naisip niya din na baka pagsisihan niya lahat kung hindi susundin ang nasa puso niya. "Gusto ko po maging pulis." Sa wakas naibigkas ni Saraha.

Dahil doon ay natuwa siya lalo at sinimulan niya ng magkwento tungol sa nangyari kanina. "Nagmana ka talaga sa akin, Saraha. Ipagpatuloy mo iyan at buong buo na suporta ang ihahandog ko sa iyo." Nakangiting sabi ni Tiya Dessa at mukang masayang masaya ito para sa kaniya, taliwas sa reaksiyon ng mga magulang niya. May halong pagkadismaya at galit ang nakita ni Saraha. Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Saraha at patakbo na umiiyak itong pumasok sa kaniyang kwarto. Nagkulong ito doon hanggang makatulog.

Nagising siya sa mahinang katok. Pagbukas ni Saraha ay nakita niya ang nakangiting si Tiya Dessa. Umupo sila sa gilid ng kama ni Saraha, "Huwag ka ng malungkot. Minsan kailangan natin tanggapin na hindi lahat ng kagustuhan natin ay tanggap ng iba. Pero hindi naman ibig sabihin niyan ay titigil ka ng mangarap." Hinaplos-haplos ni Tiya Dessa ang kaniyang ulo. "Iba kasi, Tiya, sa magulang ko na kasi ang depende." Umiling-iling lng ang Tiya Dessa at binantayan siya hanggang makatulog.

Paglabas ni Tiya Dessa sa silid ni Saraha ay namataan nito na gising pa ang mga magulang ng bata. Hindi nakapagpigil magsalita si Tiya Dessa sa magulang ni Saraha, "Bakit hindi niyo na lang suportahan ang bata? Wala naman masama sa gusto niya." Napapailing naman na sumagot ang ama, "Hindi mo naiintindihan, Dessa. Babae ang anak ko at delikado ang maging pulis sa kaniya. Nagaalala lang kami. Madami pa naman propesyon ang pwede niyang magustuhan. Kasunod naman ito ng emosiyonal na tawa ni Tiya Dessa. "Nakalimutan mo na ata na babae na pulis ako. Tignan mo ako ngayon buong buo at buhay pa. Marangal ang maging pulis. Kung ako sayo suportahan mo na lang ang anak mo dahil baka iyan pa ang magtaguyod sa inyo balang araw. Swerte mo na may pangarap si Saraha, ang ibang bata sa panahon ngayon ay wala ng iniisip kundi kasalukuyan."

Napaisip ang magulang ni Saraha, unti-unti pumasok sa isio na sila ang magulang at dapat sila ang makaintindi sa anak. Suporta lang naman ang kailangan ni Saraha at sa pag-sangayon ng magulang ay ang labis na pagkatuwa ni Saraha. Nag-aral hg Pulisya at grumaduate ng Cum Laude.

Madalas sa buhay natin ay suporta st pag-iintindi ang kailangan ng mga kabataan—hindi kahigpitan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

(Maikling Kwento) Ang Magkapatid ni Karan Tamber

(Maikling Kwento) Magsumikap Sa Pa-aaral ni Jose Lungkay

(Maikling Kwento) Unang Tingin ni Alyssa Inductivo