(Sanaysay) Sila - Sila ni Alyssa Inductivo


Sila - Sila

ni Alyssa Inductivo 

Political dynasty o dinastiyang politikal, isa sa mga isyung panlipunan na ikinakaharap ngating bansa mula noon hanggang sa kasalukuyan. Ito ay ang paghahari ng isang pamilya sa isang lugar sa pamamagitan ng pagpapasahan ng posisyon ng magkakapamilya at pagluklok nito sa mga posisyon sa gobyerno.

Hindi lahat ng political dynasty ay tiwali at masama ngunit hindi ibig sabihin nun ay ipagsasawalang- bahala nalang natin ang pagmamayagpag ng iilan sa pagaabuso sa kanilang kapangyarihan. Ang hindi pag unlad ng maraming bayan dahil sa pare- parehong estilo ng pamumuno ang nasisilayan nila. Ang pagtagal sa puwesto ng mga pamilya sa politika, inaangkin nila ang posisyon na para bang minana nila ito sa kanilang mga kamag anak na nasa politika. Ang pagkakaroon ng korupsyon sa gobyerno, dahil sa paggamit ng posisyon para sa sariling kapakinabangan.


Nasa kamay ng mga Pilipino ang solusyon para sa political dynasty. Ang pagkakaroon ng pare- parehong pamumuno ay maaaring makabubuti o makakasama sa ating bayan. Ano nang mangyayari sa gobyerno ng ating bansa kung ‘sila-sila’ rin naman ang namumuno?

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

(Maikling Kwento) Ang Magkapatid ni Karan Tamber

(Maikling Kwento) Magsumikap Sa Pa-aaral ni Jose Lungkay

(Maikling Kwento) Unang Tingin ni Alyssa Inductivo