(Sanaysay) Tug Of War ni Jana Tacugue
Tug Of
War
Ni: Jana Mae Tacugue
Nasa kanlurang bahagi ng
Pilipinas ang Karagatang Kanlurang Pilipinas o West Philippine Sea. Kasama rito
ang Karagatang Luzon, gayundin ang mga karagatang nakapaloob at nakapaligid sa
Pangkat Islang Kalayaan o Kalayaan Island Group sa Palawan, at sa Bajo de
Masinloc, na tinatawag ding Scarborough Shoal sa Zambales.
Alam nating lahat na may
alitan ang Tsina at Pilipinas kaugnay ng West Philippine Sea/South China Sea.
Ayon sa aking pag-aaral, ang dinadahilan ng Tsina na kaya sa kanila ang West
Philippine Sea ay dahil sa lumang mapa nila. Pero kung pagbabatayan natin ang
UNCLOS, hindi naman dapat magkaroon ng alitan tungkol dito dahil halata naman
sa mapa ngayon o sa sukat na pag-aari ito ng Pilipinas. Para sa akin, hindi naman
inaangkin ng Pilipinas ang South China Sea/West Philippine Sea. Bakit aagawin
kung sa totoo naman ay sa ating bansa naman ito talaga simula't sapul pa lang.
May dalawang mahalagang usapin ang alitan sa WPS; Panteritoryo at Huridikasyon
sa karagatan. Ang una ay tungol sa pagmamagari sa mga likas na katangian tulad
ng isla, samantalang tinutukoy ng ikalawa ang karapatang pandagat na itinakda
UNCLOS.
Kapansin pansin naman na
malaki ang laban ng Tsina kumpara sa ating bansa. Sa tingin ko kaya malakas ang
loob nila dahil may lakas sila na maghamon ng digmaan habang tayo ay ang kaya
lamang ay lumaban sa tamang paraan. Sana ay lumaban ng patas ang Tsina ngayon
na tapos na ang alitan tungkol dito bagama't mararamdaman mo pa din ang
tensiyon sa dalawang bansa.
Samakatuwid, lumalaban ang
Pilipinas sa sapat na ebidensiya habang ang Tsina sa kakaramput lamang.
Kinakaya lamang ito dahil malakas sila. Ipagpatuloy ang tuwid na pagbabatayan
ng ari-arian at huwag pairalin ang diskriminasyon sa alitan. Kung alam mo na hindi
iyo, tama na ang labanan dahil marami na ang naaapektuhan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento